Chapter 423 - Penelope and Hanz: Love Drug

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Ilang buwan pa at isang balita ang natanggap ni Baba. Nawawala si Christen at si Doc Mikko na kasama nito sa pag-aaral ng paggawa ng gamot sa Paris. 

She was also in Paris para sa isang event kaya naman nag-alala siya sa dalaga. 

Nagkaroon lang ng kaginhawaan ang lahat nang mailigtas ang dalawa ng Dark Guards sa sindikato matapos ang isang linggo mula nang mawala ang mga ito. 

The person behind her missing doesn't know Christen and Doc Mikko's real identity. 

Palibhasa ay kapwa down-to-earth ang dalawa at nabubuhay ng simple. Walang nakakaalam kahit sa eskwelahan nito na prinsesa ng Dark Lords si Christen Park at anak ng isang bilyonaryo si Mikko Jang sa Asya. 

Someone dared to mess with their life. 

Hindi naman nabigo ang grupo ni Cally na malaman kung sino ang salarin. Inggit ang dahilan kung bakit nawala ang dalawa. 

Then, Cloud Han made an action for his dear daughter. Hayun at nasa secret bas.e.m.e.nt sa Kent Mansion ang salarin sa ngayon kasama ni Bantay.

Dinalaw niya ang kinakapatid sa tahanan ni Mikko Jang na nasa kalapit na probinsiya ng Paris. 

Kahit papaano ay nasubaybayan din niya ang paglaki ng lahat ng anak ng Tita Ginny niya. 

Dinalaw niya rin ito para na rin tulungan ang sarili. 

Hindi na nagparamdam sa kanya si Smiley. Hindi na siya nakakatanggap ng bulaklak mula dito. It's as if kinalimutan na rin siya nito. 

She felt stupid para hintayin ang isang tao na walang intensyon sa kanya. Pakiramdam niya ay nauto siya nito ng sobra. 

Elegante at malawak ang villa ni Doc Mikko. She could tell na mayaman talaga ito. Malaki ang kinikita nito sa kumpanya at malaki rin ang kita nito bilang doktor kaya hindi na siya nagtaka na may Villa ito sa bansang iyon.

Ilan ang bodyguards na nadatnan niyang nagbabantay sa dalawa sa Villa ni Doc Mikko. Nagdagdag pa ang mga Han para mabantayan ang prinsesa ni Cloud Han. 

Niyakap niya si Christen nang makita niya ito.

Hindi halata sa anyo nito na dumanas ito ng hirap sa loob ng isang linggo. Naglalaro ito ng online game sa cellphone habang naka-indian sit sa sofa nang datnan niya. 

"How are you?" Tanong niya agad. 

"I'm good, Ate Baba. May boyfriend ka na?" 

Baba "..." 

Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-usisa niya sa lagay nito. 

"What really happened?" 

Pinutol muna ni Christen ang paglalaro at nagsimulang magkwento kay Baba. 

Pinasok ng isang hindi kilalang organisasyon ang school kung saan naroon si Christen at si Doc Mikko. Dinala ang dalawa sa kalapit na probinsya sa loob ng bansang France para gumawa ng gamot. 

"What kind of drug?" usisa niya kay Christen habang nakakunot ang noo. 

Hinarap siya ni Christen saka nito sinagot ang tanong niya. 

"A Love Drug." 

Lalong kumunot ang noo ni Baba. 

"They kidnapped us to create a Love Drug, Ate Baba." 

Base sa expression ni Christen sa seryosong awra nito, sa tingin ni Baba ay hindi maganda ang gamot na Love Drug. 

Nilawakan nito ang pagbigay ng detalye. Ayon kay Christen, isang aphrodisiac ang Love Drug. Kapag nakainom ng gamot na ito ang kung sino man, there was no way to escape having s.e.x to his partner. 

"Mikko and I completed the task in three days. Nagawa namin ang gamot and we see the actual result sa mga sumunod na araw." 

"Makakaramdam ng sakit sa kasarian ang kung sino man na iinom nito hangga't walang contact na mangyayari. The victim will feel hot inside his body. Mararamdaman ang pagkahilo. He will not think anything but to have s.e.x with his partner. Kapag lumagpas ng anim na oras nang walang contact… he will die." seryoso na paliwanag ni Christen. 

"We see the Guinea Pig died after six hours. But... he is a human." may namuong luha sa mata nito.

"You mean, there was no way but having s.e.x once you took it?" 

Tumango si Christen. She has a guilty look on her face. 

"Unfortunately, we created hundreds of thousand drugs, Ate Baba and it was already in the Black Market bago pa kami maligtas." nakayuko na saad nito. 

"Kung hindi lang sana namin ginalingan. But one of us will die kapag hindi namin sila sinunod."

Niyakap niya si Christen. Kita niya ang tapang sa mukha ng dalaga pero ramdam niya ang kalungkutan at pinaghirapan nito.

She created a bad drug na hindi nito gusto.

In order to survive, kinailangan nitong gumawa ng gamot para sa kasamaan. 

Nakipaglaro na lang siya ng online games sa dalaga para ma-divert ang atensyon nito.