Chapter 307 - Dissaster

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Yuna Byrnes?" ulit na tanong ni Mat-mat.

"Apolo's child"

Saka lang naintindihan ni Mat-mat ang ibig na sabihin ni Cally. "Ano ang eksaktong detalye na gusto mong malaman? Popoy, Moymoy not that wire!" bigla na lang nitong sigaw.

Ramdam ni Cally na kasalukuyan na kasama nito ang tatlong anak pero sinagot niya ang tanong nito sa kanya.

"Kung paano siya nakaligtas sa barko."

"Cally, I thought naka move on ka na sa nangyari na 'yon. Hindi ba at ang grupo mo mismo ang sumisid at kumuha ng bangkay ni Prin sa dagat"

"Pero hindi ko alam kung paano nakuha ni Apolo si Yuna" Biglang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan si Cally.

"Natatandaan mo ba na ako mismo ang tinawagan ni Prin nang araw na iyon because you never answered her call? She told me that she will call Apolo para ibalik si Yuna. So basically at the same time ng laban, Apolo is on his way to get his princess."

"...Tapos, ang pagkakaalam ko, nakita si Yuna ng kapitan ng cruise na nasa malapit ng pinangyarihan na lumulutang sa dagat. Maybe she escaped mula sa nasusunog na Maria Celeste 1"

"...The cruise's captain and are friends. Syempre nakilala niya si Yuna and the first thing he did is to call Apolo para ipaalam dito na nakuha ng cruise niya si Yuna."

"...Hindi mo ito concern dati, bakit biglang naging issue ito sa iyo ngayon?" usisa ni Mat-mat matapos magpaliwanag.

"Just do your task" saka niya pinutol ang tawag niya dito.

Si Mat-mat naman sa kabilang linya ay dissaster ang ayos. Gusto na niyang umiyak dahil ang hirap mag-alaga ng anak na kapwa makukulit.

Wala silang makuhang tagapag-alaga dahil sumusuko ang lahat ng Yaya sa mga anak niya. Tatlong araw hanggang isang linggo lang ang tinatagal ng mga iyon at nagpapaalam na sa kanilang mag-asawa na uuwi na lang sa probinsiya.

He never understand before pero ngayon na ilang araw nang naiiwan sa kanya ang triplets, kahit siya ay suko na! But what can he do? He loves his Donna and his children.

Kasalukuyan pa naman na nagpaalam si Donna para dalawin ang magulang nito kaya naiwan siyang mag-isa sa tatlong bata.

Hindi maiwasan na mapatanong siya kung bakit ba naman kasi tatlong Matty baby ang naipunla niya ng sabay-sabay sa bahay-bata ni Donna.

Nagsimula siyang magtrabaho kahit na pakalat-kalat ang tatlo niyang anak sa paligid. Matagal-tagal na rin siyang nagtatrabaho at marami-rami na rin siyang nakalap na impormasyon nang lumapit ang isa niyang anak.

"Dada, pupuh"

He sigh saka niya ito binitbit para dalhin sa palikuran at linisin. Pagbalik niya, nakita niya na nasa harapan ng laptop niya ang isang anak

"Muymoy, Noooooo!!!!"

Sa bigla nito, may pinindot ito sa laptop niya at mabilis na nag-run ang porsyento sa screen. Hindi man lang inabot ng limang segundo at nag 100% agad ang bar.

[FORMAT COMPLETED]

Pagkatapos ay itim na screen na lang ang lumitaw sa mata niya..

"No! No! No!" nasabunot niya ang makapal na buhok at hindi alam ang gagawin.

Parang clueless naman ang anak na nasa harapan niya at tila walang ginawang mali. Tiningnan niya ang buong kwarto at parang gusto niyang maiyak dahil parang dinaanan ng bagyo ang buong opisina niya sa bahay.

=====

Matapos kausapin ni Cally ang pinsan niya, lumabas na muna siya para bumili ng pagkain. Alam niya na hindi kumain si Yuna sa buong byahe nila at ganoon din naman ang anak niya kaya personal siyang bumili ng pagkain.

Hindi na niya sinubukan pang abalahin si Xander o ang iba pa.

Pagbalik niya ng kwarto, parehas na nakahiga sa iisang kama ang dalawa. Natagpuan niya si Khalid na nakadapa sa dibdib ni Yuna. Hinahaplos naman ng babae ang buhok ng anak niya habang yakap ng isang braso nito ang buong likuran ni Khalid.

Saglit muna niyang pinakinggan ang usapan ng mga ito sa pintuan.

"Baby, do you like me that much para mag-away kayo ng daddy mo?" mahina lang na tanong nito habang nakapikit. Para bang ninanamnam nito ang pagyakap sa anak niya.

"Yes"

"Don't do this again, okay? Your mommy will be hurt."

Wala siyang narinig na sagot mula kay Khalid. "Mommy, can you move in with me sa White Castle?"

Natahimik saglit si Yuna at nag-isip. Ang desisyon na iyon ay wala sa kanilang dalawa ni Khalid kundi na kay Cally.

"Yes, you can move in with us" boses mula sa pintuan. Nanlaki ang mata ni Yuna nang makita si Cally na pumasok sa kwarto.

Bigla siyang umupo. "M-master..."

Nagpatuloy lang ito. "I need someone to take care of Khalid. As you can see, ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan. You can do your duty at your hotel during the day and you can spend time with your kid during night time."

'My kid?' naisip niya na mukhang pati ang Daddy ay nakikisali na rin sa trip ng anak nito.

"Mommy, my Dad agreed. Please move in with us" gatong ng baby. Sinalubong ni Yuna ang mata nito na nakikiusap.

"Okay" nakangiti niyang sagot saka niya hinalikan sa pisngi si Khalid. Hindi alam ni Yuna kung kailan pa nagsimula na gusto niyang sundin ang lahat ng nais nito.

"You forgot something" narinig niyang sabi ng tatay.

Nakakunot ang noo ni Yuna na sinalubong niya ang mata ni Cally. .

"For accepting you in White Castle, You should kiss the Dad not just the kid."

Nanlaki ang mata ni Yuna. 'what???' tama ba ang narinig niya na pinapayagan siya ng first ever crush niya na humalik dito?