Chapter 271 - Lured them

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinagmasdan ni Prin ang babaeng nasa harapan niya. Parehas sila ng mata ng babae na hugis diyamante. Kumikinang. Makinis at maputi ang balat nito na nabahiran na ng mga pasa. 

Mahaba ang kulay brown na buhok nito na umaabot hanggang bewang. Halatang mas bata rin ito sa kanya ng ilang taon. 

"Tumakas ako patungo dito para humingi ng tulong and to warn you... nang araw na iyon, alam ni Master Gon na uuwi kayo dito sa bansa kaya nangyari ang mga pagbomba dahil may taksil sa Dark Guards"

Natigilan si Prin sa narinig. 

Paanong nagkaroon ng taksil sa kanila? Siguradong hindi makakalusot ang bagay na iyon sa Daddy niya o kay Cally. 

"Sino ang taksil sa Dark Guards?" matalim na tanong niya dito. Hinawakan niya pa sa magkabilang balikat ang babae at inalog-alog ito

"S-Si Kai Jang" mahinang sagot nito. 

Mas lalong naguluhan si Prin. Nagtaas ang kilay niya sa nadinig. At binitawan niya ito bigla. 

Pwede nitong sabihin ang kahit na sino sa Dark Guards, pero hindi siya naniniwala na si Kai o kahit si Lorenz. 

Mataas ang respeto ng dalawang lalaki kay Cally. Tatalikuran sila ng buong Dark Guards ngunit hindi ang dalawang lalaki. Kahit pa maging berde ang langit, maging puti ang uwak o maging itim ang tagak. 

Bigla siyang nagduda sa babae. 

"M-may pinaplano sila sa buong Dark Guards at kay Cally sa laban sa East China sea kung saan magaganap ang laban ni Mayu at ng Dark Guards..." 

"...Plano ni Master Gon na lihim na makisali sa laban ng dalawang grupo at gagamitin niya ang binili niyang bomba kay Mayu sa laban na iyon. May plano si Gon Peter na patayin si Cally sa laban." mahabang paliwanag ng babae. 

Sa sinabi nito, hindi na gumana pa ang utak ni Prin. Tumatak na lang sa isip niya na may plano si Gon Peter na magtago sa dilim at patayin si Cally. 

Nagkaroon din siya ng paniwala na may alam ang babae dahil alam nito ang nakatakdang laban ni Cally at ng Maria Celeste 1. Ibig sabihin -- may taksil talaga sa grupo nila.

Ngunit sino? Si Kai ba? 

Isang parte ng dibdib niya ay hindi naniniwala na si Kai ang taksil. Sigurado na ginamit lang ng kung sino ang pangalan ni Kai Jang. 

"H-how did you know all about this?" 

Natahimik ang babae. "Because I was the one na inutusan ni Gon Peter para ilagay ang bomba sa barko nang harapin ko si Mayu tungkol sa pagkamatay ng nanay ko" 

"Intensyon ni Gon na gamitin na pain ang barko ng Maria Celeste 1 para ubusin ang Dark Guards sa nalalapit na laban." 

Natigilan si Prin. Hindi niya hahayaan na mamatay ang mga kasama niya doon lalong lalo na si Cally at ang Daddy niya. 

Lalong napatunayan ni Prin ang sinabi nito na may taksil sa grupo. Sigurado si Prin na ang taong ito ang naglabas ng balita sa Daddy niya at kay Cally kung nasaan ang Maria Celeste 1 to lured them. Para sila mismo ang lumapit sa bomba. 

At nasisigurado rin ni Prin na isa sa mga lider na araw araw nilang kasama sa meeting ang taong iyon. Gusto niyang manuntok sa mga pag-analisa niya. 

"But I don't think it's Kai Jang. Last month, he was in Korea with my friend. How did you know he is Kai Jang?" 

Nag-isip ang babae. "He just told me and I saw his name on his dog tag" 

Matagal ng nawawala ang tag ni Kai. Hindi iyon lihim sa kanya dahil si Bella pa nga ang nanghingi ng tulong sa kanya kung paano iyon papalitan. 

Naisip niya na baka ninakaw ng taong 'taksil' ang tag noon pa man para isisi sa lalaki ang kasalanan nito. Ngunit sino? Sa dami ng kasama ni Kai araw-araw, mahihirapan siya na malaman kung sino. Kailangan niyang tanggalin ang maskara ng  taong ito na nagtatago sa mukha ng kaibigan niya. 

"Get up! Hihingi ako ng tulong kay Apolo kapalit mo" sabi niya dito. 

"You'd better call Snake. I don't want to talk to my Dad" sabi nito. 

May lungkot sa mga mata nito habang tumatanggi nang sabihin niya na tatawagan niya si Apolo. 

"Yuna, you must don't lie to me. You know that I am not an ordinary person." banta niya sa babae. 

"you must bring me to that place. Kung saan mo nilagay ang bomba. So everything will be according to my plan. Got it?" 

Ang unang gagawin ni Prin matapos ang pag-uusap nila ni Yuna ay tawagan si Mat-mat na hindi kasama sa misyon sa pagsunod kay Captain Yeo. Kailangan niya rin na ipahanap sa pinsan ni Cally kung sino ang taksil sa grupo. 

Isa pa, gusto niyang makuha sa lalaki ang eksaktong lokasyon kung nasaan ang grupo ng asawa niya. Sigurado si Prin na kahit hindi kasama si Mat-mat, malaki ang tyansa na may alam ito.