Chapter 262 - Hakkaido Wolf

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Habang papalayo ang grupo ni Cally patungong norte na tulad ng mungkahi ni Master Higo, mas nararamdaman nila ang lamig ng paligid. Mas madilim din ang lugar na iyon dahil mas mataas ang mga puno na halos takpan na ang liwanag.

Nauuna sa paglakad si Bob, nakasunod ang mag-asawa, bitbit ni Cally ang isang taong gulang na anak at nasa likod ang dalawa pang Dark Guards. Malayu-layo rin ang nalakad nila nang kumirot naman bigla ang ulo ni Prin. 

Maihahalintulad sa isang bato na ipinukol sa likuran na parte ng ulo niya ang sakit. Bigla ang pagkapit niya sa braso ni Cally at napatigil siya sa paglakad.

"Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Cally kay Prin. 

Hindi niya napigilan na hawakan ang ulo na kumirot. "Kumirot lang bigla ang ulo ko." 

Lalo naman nag-alala si Cally dahil wala pang isang linggo nang tanggalin ang bomba sa ulo ni Prin. Mabilis niyang hinila ang makapal na balabal na naka-ikot sa leeg niya at dinagdag iyon sa ulo ni Prin para proteksyunan ang asawa sa lamig. 

"Okay lang ako, Husbie. Ikaw naman ang lalamigin" ginamit na ni Cally ang jacket niya para ibalot sa katawan ng anak nila at iisa na lang ang suot nito. Samantalang tig-dadalawa sila nila Joen.

"I'm okay. Nakalimutan ko na may sugat ka pa at sigurado ako na lamig ang dahilan kung bakit biglang sumakit ang ulo mo."

Bahagya na rin na namumula ang ilong niya at nagsisimula na siyang sipunin. 

"Wala pa rin ba tayong signal?" tanong ni Joen kay Tom. 

"Titingnan ko" nagtabi ang dalawa para makita kung may signal na silang nasagap. 

Binuksan ni Tom ang laptop niya. Saglit niyang pinatay iyon para hindi maubos ang baterya nito. "Yes! May signal na!" natutuwang saad ng dalawa.

"Ahh.. guys…" si Bob. 

Napalingon silang lahat dito at kita nila na nataranta ang binata at napa-atras ng lakad. 

Napatuwid ang tayo ni Joen at Tom nang makita ang dahilan. Limang puting lobo kasi ang dahan-dahan at magkakasabay na lumalapit sa kanila mula sa kung saan-saan. 

*Grrr…* rinig nila ang mga pag-angil ng mga ito. Nanlilisik ang mga mata at nagkikiskis pa ang mga matatalas na ngipin.  Para silang mga putahe sa paningin ng mga lobo at nagkataon pa na lima rin sila kung hindi kasama si Khalid. 

"Oh.. my gosh.." usal ni Prin. Natakot siya para sa kaligtasan ng anak. 

"Shit!" napamura si Cally at inabot ang anak nila kay Prin saka siya tinakpan para protektahan laban sa mga puting lobo. 

Nilabas ng tatlong Dark Guards ang mga nakatagong patalim sa mga bulsa ng mga ito. Inaasahan naman nila ang mga Lobo na iyon dahil nagbanta sa kanila si Master Higo. Kaya naghanda rin sila pero hindi nila inaasahan na limang lobo ang nakatakdang humarap sa kanila sa araw na iyon. 

Mabilis na naghagis si Bob ng extra nitong patalim kay Cally. 

Maingat na nilapag ni Tom ang laptop niya. Iyon lang ang tangi nilang pag-asa para masundo sila doon kaya hindi dapat masira ang bagay na iyon. Mabilis naman na nasalo ni Cally ang patalim. 

Patuloy na nagagalit ang Lobo hanggang sa sinunggaban sila nito isa-isa. 

Tinalon ng isa si Cally at agad niyang sinaksak ang isang mata nito. 

"Ahh! Husbie!!!" napasigaw si Prin dahil sa takot para sa asawa niya. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkainis dahil hindi siya makatulong sa mga kasama pero hindi niya rin naman ipupusta si Khalid. 

Hawak ni Cally ng mahigpit ang leeg ng lobo para hindi siya nito makagat saka niya hinugot ang patalim. Umungol ito dahil sa sakit ng pagkakasaksak niya sa mata nito. 

Inipit niya ang katawan nito para hindi rin ito makakilos. Tulad niya ganoon din ang ginawa ng iba pang Dark Guards. 

Nagpumilit na kumawala ang lobo mula sa pagkakaipit ni Cally sa katawan nito. Gumulong silang dalawa dahil aminado siya na malakas din ang mabagsik na hayop. Sinugatan niya ang binti nito kaya lalo itong nagalit. 

Kinakabahan naman si Prin at hindi alam kung paano ang gagawin dahil bitbit niya si Khalid. Hindi naman niya ipupusta ang kaligtasan ng anak para saglit na ilapag ito para lang labanan ang lobo na parang gutom na gutom at takam na takam sa kanila ng anak niya. 

Umaangil ang lobo na papalapit kay Prin. Niyakap naman niya ng mahigpit ang anak at gagawin niya ang lahat para ma-protektahan ito. 

Kasabay naman ng mga pangyayari ang pagkakahawak ni Bob sa mga pangil ng lobo na sumunggab sa kanya. 

"Hahhhh!!" nagagalit din na angil niya. Sinaksak niya ito sa leeg. Akmang sasakmalin din siya nito nang hawakan niya ang magkabilang nguso nito para pigilan ito sa pagkagat sa balikat niya.

Binuhos ni Bob ang lahat ng lakas niya para ibinuka ang panga nito. 

"Haah!!!" hiyaw niya habang unti-unting napupunit ang bibig ng lobo. Tumutulo na ang dugo sa katawan niya pero wala siyang pakialam. Tinulak niya ito matapos mawalan ng buhay. 

Hinihingal siya matapos ang mga pangyayari. "Punyemas ka!" at sinipa pa ang lobo dahil sa pagkainis. Umikot lang iyon at nabahiran naman ng pulang dugo nito ang ma-yelong sahig. 

Sa lugar naman ni Cally. Matapos niyang saksakin ang isang mata ng lobo at sugatan ito sa binti, nagalit ito kaya sinugatan niya ang isa pang binti nito saka niya ito tinulak. 

Umungol ang lobo at nawala ang galit sa isang mata na nakipagtitigan muna sa kanya. Bakas ang sugat at pagkabulag sa sinaksak niyang mata nito saka ito tumalikod at tumakbo papalayo. 

Doon lang napansin ni Cally na napalayo siya sa mag-ina niya. Nakaramdam siya ng takot nang makita ang isang lobo na papalapit kay Prin.

"Prin!!!!" sigaw niya. 

Wala naman magawa si Prin na umaatras ng dahan-dahan habang yakap ng mahigpit si Khalid kasabay ng pagsunod sa kanya ng isang lobo.

Tumalon ito para sakmalin siya. 

"Ahhhh!!!" 

"Prin!!!!" 

At napapikit na lang siya sa takot habang yakap ng mahigpit ang anak na si Khalid. 

Napaupo siya at tila naghihintay sa kung ano ang susunod na mangyayari. Pinilit niyang itago ang anak niya mula dito.