Chapter 132 - Secret Transaction

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kapwa nagtatagisan si Prin at Cally sa pagbaba sa gilid ng MGM building nang mapansin niya ang asawa na biglang huminto sa tapat ng 15th floor. 

Hinila siya nito at pinigil. Sinenyasan siya na huwag maingay. Saka pinakinggan ang dalawa na nag-uusap sa ladies comfort room.

"Sigurado ka ba na enjoy ito?" narinig nilang tanong ng isang babae.

"Of course! Marami na ang bumili sa akin. Mas masarap kapag dalawa kayo ng boyfriend mo ang iinom nito. Sigurado na mas masarap ang s.e.x niyo mamayang gabi"

Hindi nakaligtas sa mag-asawa ang pinag-uusapan ng dalawang babae, sigurado na tungkol ito sa droga. Nagkatinginan sila ni Cally.

"Sige, I will send my payment to your bank account. Thanks! Siguraduhin mo lang na hindi ito lalabas sa publiko dahil isa akong public figure." sabi ng babae na sa tingin ni Prin ay celebrity doon.

"Thanks!" 

Narinig nilang bumukas ang pintuan at may pumasok na mga babae. "Hey Pia! Kanina pa kita hinihintay dito lang pala kita makikita." 

"Coming!" matapos iyon ay puro tsismisan na ang narinig ni Prin at Cally. 

Maingat silang nagmadali pababa para walang makapansin sa kanila. Sa garden ng building sila nakababa ni Cally saka pinindot ang pin ng mga safety belt. Sabay na umangat paakyat ang mga tali na sumuporta sa kanila pabalik sa hook na nakakabit sa helipad.  

Swerte na may nakuha silang impormasyon sa ginawa nilang trip ng asawa niya. 

Kinuha ni Cally ang cellphone nito na nasa bulsa nang masiguro na walang tao sa paligid. 

"May bagong lead kaming nakuha ni Prin, Isang babae ang hinahanap natin. Isang baguhan na trainees o manager o empleyado natin sa legal department.  Pakihanap na rin kung sino ang may pangalan na Pia sa MGM Corp." sabi nito sa kausap na sa tingin ni Prin ay si Xander. 

"Okay."  huling narinig niya na sinabi nito. 

Hinawakan siya sa kamay ng asawa saka parang walang nangyari na naglakad sa garden. Iniwasan nilang pag-usapan ang nadinig dahil nasa publiko silang lugar. 

Alam ni Prin ang nasa isip ni Cally, ang floor kung saan nila nadinig ang pag-uusap ay Legal department. Doon ginaganap ang contract ng mga trainees na may natanggap na trabaho o artist. 

Posible na ang Pia na nadinig nila ang tulak, maaari rin naman na ito ang bagong customer. Hindi pa rin malinaw  pero lumiit ang mga tao na maaari nilang paghinalaan. 

Sa sasakyan, May tinawagan si Cally. " Please look at the CCTV Womens room, 15th floor, Building A, 1815 today." sabi nito sa kausap saka binaba.

Napapalakpak si Prin sa nadinig. 

"Oh my gosh Husbie! You are so brilliant!" puri niya dito.

Nilingon siya ni Cally. "I'm always brilliant, why?"

"Dahil naisip mo na makikita natin ang taong hinahanap natin thru CCTV." puri ni Prin.

"Honey, seriously, I thought you knew what I was thinking earlier. Of course, we are in MGM office. Lahat ay may camera pwera na lang sa Comfort rooms kaya posible na doon ginagawa ang transaksyon… The good news is, malapit na nating makilala ang taong hinahanap natin." sabi ni Cally. 

"Anyway, nag-enjoy ka ba?" nilapit nito ang katawan niya palapit dito. 

"Yes." nakangiti niyang sagot. 

"Good. Here's your extra gift" kinuha ni Cally ang laptop at hinanap ang pinadala ni Xander na kopya ng audition ni Prin. 

Nanlaki ang mata ni Prin nang makita ang thumbnail na halatang kinuha nang magperform siya ilang oras ang nakalipas.

"Oh… please don't watch it" nahihiya niyang sabi.

"No honey, you are so cute in your performance" panunudyo ni Cally 

Inagaw niya ang laptop nito. "No!"

"Honey, wala ka na rin namang itatagong mukha sa akin dahil napanood kita ng personal kanina."

Lalong nanlaki ang japanese eyes ni Prin. "Y-you watched me?" 

"Of course! Palalagpasin ko ba naman ang ginawa ng honey ko. Si Kai nga ay ginamit ang posisyon ko para  panoorin ang angel niya."

Hiyang hiya si Prin. "Ohh.. " nahihiya na tinakpan niya ang mukha ng dalawang kamay. 

"Don't worry Honey, I will make sure na mapapanood ito ng mga anak natin sa future para malaman nila na may cute silang Mommy na nagtangka na sumayaw at kumanta sa MGM theatre." dagdag pa nito.

Pinalo niya sa dibdib ang asawa. Naiinis siyia lalo at mukhang saglit na lang silang mag-iimbestiga. 

Nagsimula nang magmaneho si Cally at lumalim ang pag-iisip niya. Alam niya na kahit ma-solve ang isyu ng droga sa MGM, kailangan nilang pagtuunan ng pansin kung sino ang leader ng South Caracass Gang tulad ng pangako si Rob sa senador.

Bigla niyang naisip si Mr Sy. 

"Call your Dad." utos niya kay Prin.

Nagtataka man ay sinunod siya nito. Nilagay niya sa speaker ang tawag. Matapos lang ang ilang ring, kumonekta ang tawag sa kabilang linya.

"Uncle Rob."  simula ni Cally. Mas sanay siya na tawagin itong Uncle Rob kaysa Daddy. Medyo ilang siya na tawagin na Daddy si Rob.

"Do you think may kinalaman si Mr Sy sa South Caracass Gang?"

"Hndi ako sigurado. Ang sigurado ako ay -- Hindi umalis ng bansa si Mr Sy"